^

Bansa

Barbers sa vloggers: Tapang dalhin sa ‘fake news’ probe!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Ang tatapang nyo, huwag po kayong magtago!”

Ito ang mariing hamon ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers sa mga vloggers na hindi sumipot sa imbestigasyon ng Tri Committee ng Kamara kaugnay ng isyu ng fake news.

“Ang tatapang ninyo … in the advent of social media, suddenly Filipinos become political analysts, they become journalists, they become experts. They believe their wisdom. Kayo ang galing ninyong magtuligsa eh. Dito ninyo dalhin,” wika ni Barbers.

Kinondena rin ni Barbers ang mga vlogger at social media influencer na nagpapakalat umano ng maling impormasyon.

“Meron diyan nagso-social media, nagba-vlog, walang ginawa araw-araw kundi manawagan ng kaguluhan sa ating bansa. Nananawagan ng people power, nananawagan ng kudeta, ‘yun ba ay tama, Mr. Chair?” tanong nito.

Kinontra rin ni Barbers ang mga pahayag na unconstitutional ang pagdinig at paglabag sa freedom of speech.

“Wag nyo pong lokohin ang taong bayan. Wala pong curtailment o suppression ng freedom of speech dito. Kaya nga kayo inimbita dito eh. Kaya kayo inimbita dito para makapagpahayag din kayo,” dagdag pa ng solon.

Sinegundahan ni House Committee on Public Order and Safety Chairman at Laguna Rep. Dan Fernandez ang posisyon ni Barbers at sinabi na ang pag-iwas ng naturang mga personalidad ay lalo lang naglalagay ng pagdududa sa kanilang kredibilidad at motibo.

Sa 41 inimbitahang mga vloggers ay tatlo lamang ang sumipot sa patawag ng Kamara dahilan para maglabas ng show cause order ang Tri Comm sa 38 ­influencers, vloggers.

Ang Tri Comm ay binubuo ng Public Order and Safety, Information and Communications Technology, at Public Information.

ROBERT ACE BARBERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with