Car owners na daraan sa EDSA, pagbabayarin – DILG
MANILA, Philippines — Pagbabayarin na ang mga may ari ng 4-wheeled vehicles na daraan sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).
Ito naman ang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla upang mahikayat ang mga car owners na gumamit ng public transportation.
Ayon kay Remulla, napag-usapan ang isyu sa kanilang pagpupulong sa Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya.
Gayunman, nilinaw ni Remulla na pinag-aaralan pa ang sistema at maipatutupad lamang ito kung maayos na ang CTMP para sa EDSA.
Aniya, posibleng magkaroon ng “metering system” sa Metro Manila sa pamamagitan ng AI.
“There will be a charge if the trains are all fixed, and the entire system is fixed,” dagdag pa ng Kalihim.
Aminado si Remulla na ang sistema ay katulad ng ipinatutupad sa ibang bansa na “anti-cars”.
Napag-alaman na 17 porsiyento sa 80 porsiyento ang gumagamit ng mga kalsada sa Metro Manila.
Binigyan diin ni Remulla na kailangan pa ring tiyakin ng pamahalaan na matibay at maayos ang public transportation.
- Latest