Pangulong Marcos inspirado sa resulta ng SWS survey

MANILA, Philippines — Tila lalong naging inspirado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagandahin pa ang pagbibigay serbisyo sa publiko.
Sa ambush interview sa isang graduation sa Development Academy of the Philippines (DAP) sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na nakakatuwa na nararamdaman ng tao ang ginagawa ng gobyerno.
Base sa Social Weather Station (SWS) survey, 59% ng mga Filipino ang nagsasabing kuntento sila sa trabaho ng administrasyon.
“So, of course, it’s very encouraging. Siyempre lalakas ang loob namin para patibayin pa, pagandahin pa namin ang trabaho namin,” sinabi pa ni Marcos.
Ikinagalak din ng Pangulo na mayroong mga graduate ang DAP na papasok ulit sa pamahalaan na bagong trained na kailangan ngayon, na tiyak aniya na gagawin ang pinakamainam na serbisyo bilang isang public servant.
Kaya pakiusap pa ni Marcos sa DAP graduates, itaguyod ang governance at kapakanan ng taong bayan.
Tinatayang nasa mahigit 600 estudyante ang nagtapos sa DAP.
- Latest