^

Bansa

MMFF’s Gabi ng Parangal ‘one-man’ jury nga ba?

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tila patuloy nainit ang kontrobersyal sa katatapos na “Gabi ng Parangal” ng 2024 ­Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa mga naglabas ng komento at inis na mga netizens, tila dinomina umano ng isang jury ang resulta at awarding.

Ayon sa mga kritiko kung saan iba dito ay nasa industriya rin ng showbiz, nakakadismaya ang mga naging resulta sa Gabi ng Parangal.

Maging ang proseso ng scoring system ay nagbago ng last minute na tila sinadya umano kung saan mistulang nakondisyon kung sino ang mga magiging nominado at mananalo.

Ilan sa mga dismayado sa nasabing “parangal” ay ang mga masugid na taga-hanga ni Aga Muhlach kung saan ito raw ay na “snubbed” sa kabila ng husay ng multi-awarded na aktor at magaling na pagganap nito.

Maging ang mga followers ng beteranang aktres na si Eugene Domingo ay hindi pinalusot ang na­ging resulta ng MMFF 2024 kung saan obvious daw na “minanipula”.

Dagdag ng ­ilang ­kapwa artista na ­nakasaksi, dahil sa nangyari ay nawawala ang integridad ng MMFF at nasasayang ang mga tunay na karapat-dapat na mga aktor na mapabilang o magwagi.

FESTIVAL

FILM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with