^

Bansa

COC ni Alice Guo tatanggapin pero kailangan TRO – Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
COC ni Alice Guo tatanggapin pero kailangan TRO – Comelec
Former Bamban, Tarlac Mayor Alice Leal Guo or Guo Hua Ping appears before Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality on Sept. 9, 2024.
(Senate Public Relations and Information Bureau) Senate Public Relations and Information Bureau / Release

MANILA, Philippines — Kailangan umano ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ng temporary restraining order (TRO) upang maipagpatuloy ang kanyang reelection bid.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, tatanggapin nila ang ihahaing certificate of candidacy (COC) ni Guo para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Gayunman, babala ni Garcia, maaari pa ring madiskuwalipika si Guo kung hindi siya makakakuha ng TRO.

Ipinaliwanag ni Garcia na may sapat na basehan upang madiskuwalipika si Guo sa pagtakbo sa eleksiyon. Kabilang dito ang deklarasyon ng pagi­ging nuisance candidate, petisyong humihiling na makansela ang kanyang COC dahil sa edad at citizenship, at ang desisyon ng Office of the Ombudsman na ipatupad ang perpetual disqualification mula sa paghawak ng puwesto sa pamahalaan.

“Kapag ang isang tao na-perpetually disqualified to hold public office dahil may decision of the Office of Ombudsman, ika-cancel po ang candidacy niya kahit pa ‘yung taong ‘yan ay naka-appeal sa Court of Appeals (CA), unless mag-issue ng TRO ang CA doon sa kanyang kaso sa Office of the Ombudsman,” sabi ni Garcia.

Una nang sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na walang kapangyarihan ang Comelec na awtomatikong kanselahin ang COC ni Guo.

vuukle comment

COMELEC

TRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with