^

Bansa

Wala pang ‘areas of concern’ sa 2025 elections

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pang lugar na idinedeklarang ‘areas of concern’ ang Commission on Elections (Comelec) para sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE).

Ito’y kahit naisumite na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang listahan ng mga “Potential Election Areas of Concern” sa Comelec, at kasalukuyan na ngayong isinasailalim sa balidasyon.

Ayon kay PNP spokesperson PCOL Jean Fajardo, ang isang lugar ay maaaring maideklara bilang “area of concern” o isailalim sa Comelec control kung mayroon nang naganap na election-related violence doon, kung mayroong matinding rivalry sa pulitika at kung may presensiya ng private armed groups.

Ito rin aniya ang tutukoy kung gaano karaming pulis ang dapat na ideploy sa isang ispesipikong lugar.

Paglilinaw naman ni Fajardo, tanging ang Comelec lamang ang maaaring magdeklara nito dahil kinakailangan pa itong dumaan sa balidasyon ng joint security council na pinamumunuan ng poll body.

vuukle comment

COMELEC

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with