^

Bansa

Chinese ships sa West Philippine Sea, nabawasan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na magpull-out ang BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sabina (Escoda) Shoal, nabawasan na ang mga vessels ng China sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Navy nitong Martes.

Sa pinakahuling monito­ring ng Philippine Navy nasa 157 Chinese vessels na lamang ang naispatan sa WPS nitong Setyembre 10-16 mula sa 207 barko noong Setyembre 3-9, pahayag ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Spokesman ng Phil. Navy sa WPS.

Sa kabila nito, patuloy pa ring binabakuran ng Chinese vessels ang Escoda na itinuturing na ng mga itong flashpoint.

Kabilang sa namonitor ng Phl Navy ay 123 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs), 26 China Coast Guard Vessels (CCGVs), pitong People’s Liberation Army Navy (PLAN) warships at isang Chinese Research and Survey Vessel (CRSV).

Sa nasabing bilang, 65 Chinese vessels naman ang pumapalibot sa Sabina Shoal na kinabibilangan ng 52 CMMVs, apat na PLAN ships at siyam na CCGVs.

Nitong Setyembre 14 ay nagpull-out na ang BRP Teresa Magbanua sa Sabina Shoal matapos ang limang buwang deployment sa lugar na nagsimula noong Abril 15.

Samantala ang iba pang mga vessels ng China ay nakapadeploy naman sa Pagasa Island, Ayungin Shoal, Lawak at Panata Islands na pawang sa Kalayaan Group of Islands na inookupa ng Pilipinas sa WPS.

Sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal ay nasa 18 vessels ng China ang nakadeploy.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with