2025 national budget posibleng humantong sa deadlock sa bicam
MANILA, Philippines — Posibleng humantong sa deadlock ang panukalang 2025 national budget sa sandaling talakayin na ito sa bicameral conference committee, ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Inaasahan na hindi magiging tugma sa ipapasa ng Senado ang panukalang budget ng Office of the Vice President kapag na-defund ito o babawasan ng malaki ng House of Representatives.
Naniniwala si Dela Rosa na ibibigay ng Senado ang budget na hinihingi ni Vice President Sara Duterte.
Kung hindi magkakasundo ang Senado at House of Representatives sa budget ng OVP ay posibleng magkaroon ng “stalemate.”
Bagamat at sinabi mismo ni VP Duterte na kaya nilang magtrabaho kahit walang budget, sinabi ni Dela Rosa na mahirap naman na walang budget ang OVP dahil kailangang pa-suwelduhin ang mga empleyado.
Hindi naman tiyak ni Dela Rosa kung puwedeng magkaroon ng “reenactment budget” o susundin ang budget ngayong taon para sa 2025 sakaling hindi magbigayan ang Senado at House sa budget ng OVP.
Ipinagtanggol pa ni Dela Rosa si VP Duterte lalo na sa mga magsasabi na isa itong “spoiled brat.”
“Mabait naman na tao ‘yun. Abogado ‘yun at disiplinadong tao ‘yun. Siguro lang naubusan na ng pasensiya. Tao lang tayo may hangganan ang lahat ng pagtitimpi,” ani Dela Rosa
- Latest