GL ng DSWD, puwede nang pambili ng gamot sa mga botika
MANILA, Philippines — Maaari na ngayong ipambili ng gamot ang guarantee letter na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga piling botika sa bansa.
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumalo, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng ahensiya, nakipag-usap ang DSWD sa ilang piling botika na payagan ang mahihirap na mamamayan na napagkalooban nila ng GL na maipambili ito ng kanilang kailangang gamot.
Ang Guarantee Letter ay isang dokumento na naipagkakaloob ng DSWD sa mga benepisyaryo na naka-address sa service providers upang magamit na pambayad sa mga serbisyo kasama na ang pambili ng gamot.
Ilan sa mga botika sa Metro Manila na tumatangap ng DSWD-issued GLs ay Globo Asiatico Enterprises, Inc.; Onco Care Pharma Corporation; Urology Med Care, Inc.; Complete Solution Pharmacy and General Merchandise; Haran Pharmaceutical Product Distribution Ltd. Co.; Keminfinity, Inc.; Medinfinity, Inc.; JCS Pharmaceuticals, Inc.; Interpharma Solutions Philippines, Inc.; at botika sa ilalim ng Drugstores Association of the Philippines (DSAP).
Ang mga benepisyaryo mula sa ibang rehiyon ay maaaring kontakin o bisitahin ang alinmang DSWD Field Office sa kanilang lugar para sa kumpletong talaan ng mga botika na natanggap ng DSWD-issued GLs.
- Latest