^

Bansa

Bong Go sa DOH: Mga pasyente ng Malasakit Centers, ‘wag tanggihan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang mahalagang papel ng Malasakit Centers sa pagtiyak na walang Pilipino ang mapagkakaitan ng access sa mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, partikular sa panahon ng kalamidad.

Ginawa ni Go ang paalala dahil sa mga nakaraang bagyo, kabilang ang Tropical Storm Enteng, na nagdala ng malakas na pag-ulan at malawakang pagbaha sa iba’t ibang rehiyon. Dahil dito, nagkaroon ng alalahanin ukol sa accessibility sa healthcare.

Binigyang-diin niya partikular na ang mga ospital, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH), ay hindi dapat tumalikod sa sinumang pasyente, lalo sa panahon ng krisis.

Ang tinutukoy ni Go ay ang DOH Department Memorandum 2023-0235, na nag-uutos sa mga ospital na magsilbi sa mga pasyente ng Malasakit Centers nang walang diskriminasyon.

Nagpahayag ng pagkabahala ang senador na maraming Pilipino, partikular sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, ang madalas na nag-aalangan na magpagamot dahil sa takot sa mga bayarin sa ospital.

Inulit ni Go na nagtaguyod sa Malasakit Centers, ang kanyang matagal nang adbokasiya para sa universal healthcare access. Ang mga center na matatagpuan sa mga pampublikong ospital sa buong bansa, ay nagpapadali sa proseso para sa mga mahihirap na pasyente na makatanggap ng tulong-medikal at pinansyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang PhilHealth, DOH, at DSWD.

Nanawagan siya sa mga local government unit at pribadong ospital na maki­pagtulungan sa pambansang pamahalaan upang matiyak na mananatiling walang tigil ang mga serbisyo sa kabila ng mga hamon na dala ng mga natural na kalamidad.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with