Pangulong Marcos inatasan DA na magtayo ng maraming soil testing centers
MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na gawing mas accessible ang pagsusuri ng lupa sa buong bansa.
Nagpahayag ang Pangulo ng pagkabahala dahil sa kakulangan sa mga sentro ng pagsusuri ng lupa sa Pilipinas.
Giit pa ni Pangulong Marcos na kulang na kulang tayo sa soil analysis kaya hindi masabi sa mga magsasaka kung gaano karaming fertilizers ang maaaring gamitin.
Dahil dito, hindi rin aniya mabigyan ng payo ang mga magsasaka dahil mismong ang gobyerno ay hindi alam ang kondisyon ng lupa.
Kaya dapat na magkaroon ng isang soil testing center sa bawat rehiyon para mapabiis na makapagbigay ng payo sa mga magsasaka tungkol sa angkop na mga pananim sa kanilang lupa.
Ang soil mapping aniya ay umaangkop sa lahat ng uri ng pananim.
Nauna na rin inirekomenda ng DA ang soil mapping sa mga lugar sa Luzon bilang bahagi ng programa para sa pagpapalawak ng industriya ng asukal.
- Latest