^

Bansa

Mga nasunugan sa iba’t ibang­lugar sa Quezon City inayudahan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na namahagi ng karagdagang suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa mga residente ng Barangay Manresa, Paligsahan, Payatas, Tatalon, Holy Spirit, Commonwealth, Culiat, Patok, Tandang Sora, Talayan, Sauyo, at Nova Proper sa Quezon City, upang tulungan sila na muling makapagpatayo ng mga tahanan at makarekober sa pagkasalanta ng sunog.

“Sa mga nasunugan, huwag ho kayong mag-alala.  Ang gamit ay nabibili, ang pera ay kikitain, subalit ‘yung perang kikitain ay hindi nabibili ang buhay.  Ang nawalang buhay ay isang nawawalang buhay magpakailanman.  Pangalagaan at ingatan po natin ang buhay at kalusugan ng bawat isa,” ani Go sa kanyang mensahe.

Sa pakikipag-ugnayan kina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, nakatanggap ang mga apektadong pamilya ng mahahalagang tulong tulad ng grocery packs, meryenda, kamiseta, masks, bitamina, basketball, at volleyball mula sa senador.  May ilang nakatanggap ng bisikleta, mobile phone, sapatos, at relo.

Pinadali rin ng inisyatiba ni Senator Go ang pagbibigay ng National Housing Authority ng mga benepisyo ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa 197 karapat-dapat na kabahayan na apektado ng sunog.

Binigyang-diin ni Go ang kanyang adbokasiya para sa pagbibigay ng emergency housing assistance, na patuloy niyang itinataguyod. Tinitiyak nito na ang mga apektadong pamilya ay may mapagkukunan upang muling itayo ang kanilang mga tahanan, tulad ng mga pako, roofing sheet, at iba pang kinakailangang materyales sa pabahay.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with