^

Bansa

Sa pagpasok sa airspace ng bansa..Pinas kinakasa diplomatic protest vs China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sa pagpasok sa airspace ng bansa..Pinas kinakasa diplomatic protest vs China
File photo shows a NC-212i light transport aircraft of the Philippine Air Force. Two China air force jets dropped flares in the path of a similar plane while patrolling the skies in the vicinity of Panatag Shoal on August 8, 2024.
AFP

MANILA, Philippines — Nakatakdang maghain ang gobyerno ng Pilipinas ng panibagong diplomatic protest laban sa China matapos pumasok sa teritoryong nasasaklaw ng himpapawid ng bansa sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) noong Agosto 8.

Sa joint press conference sa Camp Aguinaldo, sinabi nina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi maaring basta na lamang palagpasin ng Pilipinas ang mapanganib na ginawa ng dalawang Chinese aircraft na nagpakawala ng mga flares sa himpapawid sa direksiyon ng Philippine Air Force (PAF) NC-2121 propeller aircraft na nagsasagawa ng air patrol sa himpapawid ng Bajo de Masinloc.

“Naturally hindi natin puwedeng pabayaan ito, kahit na sabihin ng publiko na diplomatic protest na naman, why not. We cannot not do it, kung hindi nag-a-acquiesce tayo,“ ani Teodoro.

Una nang pinalagan ng AFP ang insidente sa pagsasabing ang mapanganib na aksiyon ng Chinese aircraft ay ma­aring ikapaha­mak ng mga piloto ng PAF.

Sa panig ni Manalo, sinabi nito na ikinasorpresa niya ang ginawang karahasan ng People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) lalo na at nagkasundo na ang mga opisyal ng Pilipinas at China sa  pagpupulong sa Beijing na iwasan ang anumang hakbangin na makakapagpalala  ng tensiyon sa WPS.

“Well, I don’t know why they did it, yun ang masasabi ko. They took us by surprise. China has always said it wanted to deescalate but everytime of course may nangyayari na ganito certainly it tends to raise tensions so it’s something that certainly we have to pay close attention”, dismayadong pahayag pa ni Manalo na inihayag ang paghahain ng panibagong diplomatic protest.

Sa kabila nito, ayon pa kay Teodoro ay hindi naman nakakaalarma ang insidente bagaman isa itong isyung dapat tugunan ng pamahalaan.

vuukle comment

DIPLOMATIC

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with