^

Bansa

Pangulong Marcos kinondena pambu-bully ng China sa eroplano ng PAF

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos kinondena pambu-bully ng China sa eroplano ng PAF
President Ferdinand Marcos Jr. leads the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) situational briefing on the effects of typhoon #CarinaPH and southwest monsoon on July 24, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Linggo ang ilegal at mapanganib na aksyon na ginawa ng air force ng China sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc, na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF).

Tinawag ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga aksyon ng People’s Liberation Army-Air Force (PLAAF) noong Huwebes, Agosto 8 na “unjustified at  illegal.”

“The President strongly condemns thea air incident in Bajo de Masinloc earlier this week, and stands by our brave men and women of the AFP, especially the Philippine Air Force,” pahayag ng PCO.

Ipinunto rin ng PCO na nasa sovereign airspace ang PAF aircraft nang maganap ang nangyari.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Sabado, dalawang sasakyang panghimpapawid ng PLAAF ang nagsagawa ng mga mapanganib na pagmaniobra at naghulog ng mga flare sa daanan ng isang NC-212i PAF propeller aircraft na nagsasagawa ng routine maritime patrol sa Scarborough noong Huwebes.

Bagaman at walang nasaktang tauhan ng PAF sa insidente, iginiit ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na nalagay sa panganib ang buhay ng mga tauhan ng PAF na nagsasagawa ng maritime security operations sa loob ng maritime zone ng Pilipinas.

Ang sasakyang panghimpapawid ng China ay gumambala rin sa lawful flight operation at lumabag sa internasyonal na batas sa kaligtasan ng aviation.

Sinabi ng AFP na naiulat na nito ang insidente sa Department of Foreign Affairs (DFA) at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

vuukle comment

PAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with