Satisfaction rating ni VP Sara dumausdos
Matapos magbitiw sa DepEd
MANILA, Philippines — Bumagsak sa +44 ang satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte nitong Hunyo mula sa dating +63 noong Marso, batay sa latest Social Weather Stations (SWS) survey.
Ito na ang pinaka mababang satisfaction rating ni VP Sara mula nang maging Ikalawang Pangulo ng bansa.
Sinasabing ang resulta ng pagbagsak ng survey ni Sara ay nangyari makaraang magbitiw ito bilang Education Secretary at magpahayag ng mga negatibong pananalita laban sa gobyernong Marcos laluna noong huling quarter ng nagdaang taong 2023.
Ang survey ay ginawa noong Hunyo 23 hanggang Hulyo 1 ilang araw makaraang lisanin ni VP Sara ang DepEd noong Hunyo 19.
Gayunman, nananatili namang nakopo ni Duterte ang “good” overall satisfaction rating, na may 65% satisfied at 21% dissatisfied sa kanyang performance.
Nakuha ni Sara ang mataas na rating mula sa kanyang rehiyon sa Mindanao na may “excellent” +73 net satisfaction score. Nakuha naman ang “good” ratings sa Visayas +47, Metro Manila +32, sa nalalabing bahagi ng Luzon +31.
Mataas naman ang kanyang net satisfaction na “very good” sa hanay ng mga kababaihan na ansa +50 at sa less formal education at +54 sa non-elementary graduates. “Good” naman ang nakuhang net satisfaction sa mga kalalakihan na +37, urban residents +42 na may edad 55 taong gulang pataas at “moderate” +27.
- Latest