Bato iisnabin House probe sa droga
MANILA, Philippines — Iisnabin ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang House of Representatives na iimbitahang dumalo sa pagdinig tungkol sa mga ilegal na aktibidad na dala ng Philippine offshore gaming operator (Pogo) hubs at drug trade.
Bukod kay Dela Rosa, iimbitahan din ng apat na komite sa Kamara si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dela Rosa, ayaw niyang i-break ang tradisyon ng inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng Senado at House of Representativess.
“I decline their invitation on the grounds that I don’t want to become the precedent in breaking the interparliamentary courtesy tradition of both houses of Congress,” ani Dela Rosa.
Napaulat na kinumpirma nitong Miyerkules ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na magpapadala sila ng imbitasyon kina Duterte at Dela Rosa upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili sa mga akusasyong ibinabato sa kanila.
- Latest