Mga Pinoy target din ng POGO — Gatchalian
MANILA, Philippines — Hindi lang mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ang biktima ng mga krimeng nagmula din sa kanila.
Sinabi ni Sen. Win Gatchalian na ang pahayag ng Department of Information and Technology (DICT) na nababawasan na ang text scam matapos ipagbawal ng Pangulo ang mga POGO sa bansa ay nagpapahiwatig na target din ng operasyon ng POGO ang mga Pinoy sa scamming activities.
“Ngayong bawal na ang mga POGO sa bansa, umaasa tayong magiging ligtas na ang ating online transaction at mapapabilis pa ang digital transformation sa Pilipinas,” aniya.
Anya, mahalaga ang cyber safety hindi lamang para sa pagpapabilis ng paggamit ng digital technology sa bansa kundi para din sa pag-akit ng mas marami pang mamumuhunan.
“Umaasa tayo na mas magiging ligtas na ang ating cyberspace at makakahimok pa tayo ng mas maraming mamumuhunan sa bansa,” ani Gatchalian.
“Inaasahan din natin na mas mababawasan pa ang bilang ng mga text scam at kung anu-ano pang online scam na nambibiktima sa ating mga kababayan,” pagtatapos ng senador.
- Latest