^

Bansa

Malabon Mayor Sandoval nanguna sa performance, reelection survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Angat si incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa posibleng makakalaban niya sa 2025 local elections.

Ito ay batay sa inilabas ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) pinakabagong “Boses ng Bayan” 2025 elections Malabon mayo­ral survey na isinagawa noong Hulyo 1-10, 2024.

Ang independiyente at hindi kinomisyon na survey na ito ay naglalayong magbigay din ng komprehensibong pagsusuri sa kalagayang pampulitika, lalo na sa inaasahang labanan sa halalan sa Malabon City 2025 elections.

Ayon sa predictive analytics mula sa survey, si incumbent Mayor Sandoval ay may malaking kalamangan, na may 57% na suporta ng botante na mas mataas kumpara sa kanyang mga kalaban na sina dating Mayor Lenlen Oreta III at Congresswo­man Jaye Lacson-Noel, na nakakuha naman ng 21% at 20% ng boto, ayon sa pagkakasunod.

Sa kaso ni Mayor ­Sandoval, ang mataas na pagtitiwala ng kanyang mga nasasakupan, na may job performance rating na 90.3%, ay nagpapakita ng malakas na suporta para sa kanyang muling pagtakbo.

Samantala, ang numero ni Oreta ay nananatiling mababa at walang pagbabago, habang ang suporta para kay Congresswoman Lacson-Noel ay bumaba ng -3% mula sa nakaraang poll noong Marso 2024.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, isang Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD, sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang snapshot ng kalagayang pampulitika, layunin ng RPMD na gabayan ang mga botante at mga kandidato sa politika bago ang 2025 elections.

vuukle comment

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with