Joint patrol sa West Philippine Sea kinasa ng Pinas, US, Canada, Australia
MANILA, Philippines — Nagsagawa kahapon ng joint sea at air patrol ang Pilipinas, US, Australia at Canada sa West Philippine Sea (WPS) na layong mapalakas ang kooperasyon at interoperability sa mga sandatahang lakas.
Sa joint statement, sinabi ng apat na bansa na ang naturang hakbang ay isang “collective commitment” na magpapatibay sa regional at international cooperation para sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
“Demonstrating our collective commitment to strengthen regional and international cooperation in support of a free and open Indo-Pacific, our combined armed forces will conduct a Multilateral Maritime Cooperative Activity within the Philippines’ Exclusive Economic Zone on August 7 and 8, 2024,” ayon sa joint statement nitong Miyerkules nina AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., Admiral David Johnston ng Australian Chief of Defence Force, Gen. Jennie Carignan ng Canadian Chief of Defence Staff at Admiral Samuel Paparo, Commander ng US Indo-Pacific Command.
Nais ng mga ito na mapanatili ang kalayaan sa paglalayag at paglalakbay sa himpapawid alinsunod sa isinasaad sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
- Latest