Ex-UP stude inilahad panloloko ng CPP-NPA
MANILA, Philippines — Inilahad ng isang alumna ng University of the Philippines-Diliman ang kanyang karanasan at kung paano manloko ng mga estudyante ang CPP-NPA-NDF sa kanyang pagdalo sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Sen. Ronald dela Rosa.
Sa pahayag ni Kate Raca, graduate ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in English sa nabanggit na unibersidad, 16-anyos siya nang hikayatin maging militante ng kanyang mga naging guro at kamag-aral. Nang maka-graduate noong 2019, naisama na siyang mamundok sa Mindoro upang isali sa Lucio de Guzman Command ng NPA.
Sinabi ni Raca na lusaw at basag na ang NPA unit na ito at mangilan-ngilan na lamang ang natitira sa panahon ngayon na patago-tago pa rin sa mga kabundukan.
Nakawala at napasuko noon ding 2019 matapos ang matinding bakbakan sa pagitan ng NPA unit at mga sundalong Marine sa Palawan. Isa sa kanyang comrade na galing naman sa UP Los Baños ang napatay sa sagupaang iyon.
Ang kanyang recruiter at trainer na miyembro ng College of Education Student Council ay napatay din sa engkwentro sa Quezon noong 2018.
Ayon kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) National Secretariat Executive Director at Usec. Ernesto Torres Jr., si Raca ay isang ehemplo ng matalinong estudyante, dahil napagtanto nito na ang terorismo ay ‘di makatao at ‘di katanggap-tanggap sa isang demokratikong lipunan.
- Latest