^

Bansa

Philippines at Germany patitibayin alyansa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Philippines at Germany patitibayin alyansa
Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro (R) shakes hands with German Defence Minister Boris Pistorius after their joint press conference at a hotel in Manila on August 4, 2024.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Balak ng Pilipinas at Germany na magkaroon ng kasunduan sa security at defense para mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Sa courtesy call ni German Federal Defence Mi­nister Boris Pistorius kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Malakanyang, sinabi nito na sisikapin ng kanilang hanay na maplantsa ang kasunduan ngayong taon.

Ito ay para mapanatili at matiyak ang seguridad at stability sa rehiyon.

Sinabi pa ni Pistorius, na nakausap na niya si Defense Secretary Gilbert Teodoro tungkol sa nasabing kasunduan at nais nilang magkaroon ng security at defense agreement sa pagitan ng dalawang bansa.

Target aniya ng dalawang lider na lagdaan ang kasunduan hanggang sa katapusan ng taon.

Sinabi pa ni Pistorius na naipadala na nila ang draft ng kasunduan noong nakaraang linggo at patuloy pa rin nila itong pinaplantsa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Pangulong Marcos sa Germany para sa pagsuporta sa rules-based international law na pinanghahawakan ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na usapin sa West Philippine Seas (WPS).

Kasama ng German defense minister na nakipag- courtesy call kay Pangulong Marcos si German Ambassador to the Philippines Andreas Pffafernoshcke.

vuukle comment

GERMANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with