^

Bansa

Lolang naka-wheelchair inaresto sa bomb joke!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lolang naka-wheelchair inaresto sa bomb joke!
Ang inarestong senior citizen matapos mag-bomb joke habang isinailalim sa kustodya ng PNP-Aviation Security Group sa Tacloban City.

Kasama sa flight 71 kongresista

TACLOBAN CITY, Leyte, Philippines — Naantala ng ilang oras ang biyahe ng eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na may lulang 71 Kongresista habang pabalik na sa Manila matapos magbiro ang isang matandang babaeng naka-wheelchair na may laman umanong bomba ang kaniyang bagahe sa paliparan ng lungsod na ito nitong Biyernes ng gabi.

Ang PAL flight PR 2988 na naka-iskedyul na sanang mag-take off sa Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City dakong alas-6:40 ng gabi nang mag-bomb joke ang babaeng senior citizen sa flight attendant na kaya umano mabigat ang kaniyang bagahe ay dahil bomba ang laman nito.

Ang nasabing senior citizen ay kasalukuyan nang nasa loob ng eroplano bilang prayoridad na pasahero na mauunang makasakay kung saan habang tinutulungan ito ng flight attendant ay nag-bomb joke ang matanda.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1727 (Bomb Joke/Threat Law) itinuturing itong seryosong banta ng mga security at law enforcement operatives kung saan nahaharap sa pagkakaaresto at pagkakakulong ng hanggang 5 taon ang sinumang lalabag sa batas.

Kabilang sa mga lulan ng nasabing eroplano sina Manila 6th District Bienvenido Abante Jr., Bataan 3rd District Rep. Geraldine Roman, Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, OFW Partylist Rep. Marissa del Mar Magsino at iba pa gayundin ang ilang reporters ng Kamara na nagsagawa ng coverage para sa ani­bersaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) caravan ng administrasyon kung saan nasa P1.26 bil­yong halaga ng serbisyo at ayuda ang ipinamahagi sa mga residente ng Eastern Visayas.

Dahil dito, bilang bahagi ng standard operating procedure ay sinuspinde muna ang proseso ng boarding at inaresto ang matandang na-offload sa eroplano at dinala sa tanggapan ng PNP Aviation and Security Group (ASG) sa nasabing paliparan at isinailalim sa masusing imbestigasyon.

Nasa 71 Kongresista naman na nagtungo sa Tacloban City para dumalo sa nasabing serbisyo caravan ni PBBM ang pinababa rin at dinala sa holding room habang iniinspeksyon ng mga awtoridad ang eroplano.

Ang lahat ng bagahe sa loob ng eroplano ay ibinaba rin at ilang K9 team kasama ang mga bomb sniffing dogs ang muling sinuri ang mga bagahe ng mga pasahero ng eroplano na na-istranded sa boar­ding gate. Wala namang natagpuang bomba sa loob ng eroplano na may pasaherong mahigit 200 katao.

Matapos na masigurong walang anumang eksplosibo ang eroplano ay pinasakay na muli ang mga pasahero maliban sa matandang babae.

Alas-8:40 ng gabi na nakaalis ang eroplano at ligtas na nakarating sa NAIA terminal 2 bandang alas-9:59 ng gabi.

Bilang reaksyon, sinabi ni Rep. Roman na dapat magsilbing aral ito sa lahat ng mga tao na bawal ang “bomb joke” sa paliparan dahil hindi ito tama at mananagot sa batas ang sinumang lalabag dito.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with