^

Bansa

Mga Pinoy na bihag ng Houthi nagkakasakit na ng malaria

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga Pinoy na bihag ng Houthi nagkakasakit na ng malaria
Photos by KJ Rosales/The Philippine STAR)
STRA/ File

MANILA, Philippines — Nagkakasakit na ng malaria ang karamihan ng mga Filipino seafarers na bihag ng grupong Houthi sa Red Sea.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil at sinabing patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa gobyerno ng Yemen para bigyan ng medical assistance ang mga Pinoy crew members ng MV Ga­laxy leader.

Sinabi pa ni Garafil na tinatrabaho na rin ng pamahalaan ang pagpapalaya sa mga Pinoy para sa humanitarian reasons.

“According to a DFA memorandum for the President dated July 30, Honorary Consul to Yemen Mohammad Saleh Al-Jamal confirmed that several Filipino crew members were experiencing significant health issues as they show malaria symptoms,” ayon pa sa kalihim.

Hiningi na rin aniya ni Al-Jamal ang tulong mula sa Sana’a authorities para sa pagpapalaya ng mga Pinoy para sa humanitarian reasons dahil sa lumalalang kondisyong pangkalusugan ng mga ito.

Bilang tugon ng gobyerno ng Sana’a, sinabi nito na tutulong sila sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga doktor sa barko para magbigay sa anumang medical procedures na kailangan ng mga crew.

Ang Sana’a ang may awtoridad sa Houthis ay ang capital at pinakamalaking siyudad sa Yemen.

Subalit nilinaw naman ng Sana’a government na ang usapin tungkol sa pagpapalaya sa Pinoy crew ay depende pa rin sa external decisions at nakasalalay sa negosasyon at diskusyon sa pagitan ng specialists at sa Presidency ng Yemeni Republic sa ilalim ng Houthi government

Hinihintay na ngayon ng Office of the Undersecretary for Migration Affairs ng DFA ang ulat ni Al-Jamal matapos ang follow-up meeting sa pagitan ng Ambassador Ahmed Omar at representatives ng Yemeni Foreign Ministry sa Sana’a.

Nakarating na rin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lagay ng mga Pinoy seafarers. Una nang sinabi ng Pangulo na ligtas ang mga Filipino seafarers sa pag-atake ng Israel sa port ng Hodeidah, Yemen.

vuukle comment

RED SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with