Satisfaction ratings ni Pangulong Marcos, tumaas – SWS
MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), naitala ang net satisfaction rating ni Marcos sa +20 noong Marso, bumaba ng 27 points mula sa +47 score na nakuha niya noong December 2023.
Bumawi ito sa +27 base sa survey na isinagawa ng SWS mula June 23 hanggang July 1.
“The national Social Weather Survey of June 23 – July 1, 2024, found 55% of adult Filipinos satisfied, 15% undecided, and 28% dissatisfied with the performance of Ferdinand Marcos, Jr. as President. Compared to March 2024, gross satisfaction with President Marcos rose from 50%, gross undecided fell from 19%, and gross dissatisfaction fell slightly from 31%,” ayon sa SWS.
Subalit ito ay mas mababa pa rin kumpara sa +58 na nakuha niya sa kaparehong panahon noong 2023 at sa kanyang pinakamataas na net satisfation rating na +68 noong December 2022.
Mataas ang satisfaction ng mga respondents sa Balance Luzon, na may 60%; sinundan ng 57% sa Metro Manila; 55% sa Visayas, at 46% sa Mindanao.
Habang ang dissatisfaction ay mataas sa Mindanao na may 41%, 28% sa Visayas ; 26% sa Metro Manila at 28% sa Balance Luzon.
- Latest