Higit 5.2 milyong botante, dineactivate para sa 2025 polls
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 5.2 milyon ang mga botante na dineactivate ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 National and Local Elections (NLE).
Sa pinakahuling datos ng Comelec, hanggang nitong Agosto 2, nasa 5,216,625 ang deactivated voters karamihan ay nabigong bumoto ng dalawang magkasunod na halalan, nawala ang Filipino citizenship, at iba pa.
Samantala, nasa 487,721 botante ang tuluyan nang inalis sa voter’s list.
Karamihan naman sa mga tinanggal sa listahan ay yaong nakumpirmang namatay na at mayroong double o multiple registration.
Maaari pa rin naman umanong mag-aplay ang mga deactivated voters ng reactivation bago ang 2025 midterm elections.
- Latest