^

Bansa

‘No joke sa designated survivor comment’- VP Sara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�No joke sa designated survivor comment�- VP Sara
Vice President Sara Duterte on June 19, 2024.
Photos courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi siya nagbibiro nang magkomento na itinatalaga niya ang kanyang sarili bilang ‘designated survivor’ matapos na kumpirmahin na hindi siya dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.

Sa idinaos na National Brigada Eskwela Kick-off Program kahapon sa Carmen National High School, sa Schools Division of Office (SDO) ng Cebu Province VII, sinabi ni Duterte na ito ang unang pagkakataon na naka­kita siya na tuwina’y inaalam ng mga tao kung dadalo ang isang bise presidente sa mga aktibidad ng pamahalaan.

Giit naman niya, hindi biro at lalong hindi rin isang bomb threat ang kanyang naging pahayag.

Ipinaliwanag ni Duterte na marami ang hindi nakakuha ng kanyang punto nang gawin ang kanyang komento ngunit tumanggi na rin siyang magpaliwanag pa.

“It is not a joke. It is not a bomb threat. Many missed the point. For me, if you don’t understand the first time, I don’t think you deserve an explanation,” pahayag pa niya, sa wikang Bisaya.

Pinangunahan ni Duterte ang National Brigada Eskwela Kick-off Program kahapon.

Ang Brigada Eskwela ay ang taunang school maintenance program ng DepEd upang ihanda ang mga paaralan sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Nakatakda namang magbukas ang klase sa Hulyo 29 habang patuloy na umaarangkada ang enrollment na magtatagal hanggang Hulyo 26.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with