Presyo ng gulay, kamatis bababa ngayong linggo - DA
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na bababa na rin sa linggong ito ang presyo ng ilang mga gulay pati na ang kamatis sa mga palengke at pamilihan.
Kasunod ito nang pagsipa ng presyo ng ilang gulay sa pamilihan pati na ang kamatis na naglalaro sa P140-P220 ang kada kilo.
Tumaas din ang presyo ng carrots na nasa P100-P180, talong na umaabot sa hanggang P120 ang kada kilo, at bell pepper na naglalaro sa P200-P350.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, ang pagsipa ng presyo ng mga gulay ay bunsod ng na-delay na harvest sa ilang sakahan na bunsod naman ng El Niño at epekto ng Bagyong Aghon.
Nakadagdag pa rito ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo na dumaragdag sa transportation cost ng mga magsasaka.
Sa kabila nito, sinabi ni De Mesa na magsisimula na rin ang harvest sa Southern Tagalog Region na inaasahang manghahatak na rin pababa ng presyo ng gulay sa mga susunod na araw.
Tiniyak din nito na hindi pangmatagalan ang taas presyo sa gulay dahil bumababa rin ito oras na dumami na muli ang suplay.
- Latest