^

Bansa

Mega Job Fair sa Taguig, Pasay at Las Piñas, dinagsa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinagsa ng mga aplikante ang idinaos na Mega Job Fair na handog ng mga lokal na pamahalaan ng Taguig, Pasay, at Las Piñas, sa ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan o Independence Day kahapon.

Sa Pasay, “Trabaho Para Sa Pasayeño: 2024 Kala­yaan Job Fair” ang tema ng okasyon na pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Kalayaan Job Fair na isinagawa sa SM Mall of Asia Music Hall at dinaluhan din ni Congressman Tony Calixto, mga kinatawan ng Department of Labor ang Employment (DOLE) at ibang opisyal.

Ayon sa organizer ng job fair, mahigit 10,000 vacancies ang alok na trabaho para sa mga job seekers mula sa 60 kumpanya at employers na nakilahok dito.

Sa Taguig, may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO), at ng DOLE ang Independence Day Mega Job sa Vista Mall Taguig (Phase 2 Activity Center). May One Stop Shop din para sa mga serbisyong pampubliko ng Social; Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), PAG-IBIG Funds, at iba pa.

Sa Las Piñas, isinagawa rin ang mega job fair, para sa mga aplikanteng Las Piñero na idinaos sa Robinson’s Place at SM Center, kahapon.

Ang job fair ay pangungunahan ng Public Employment Service Office sa direktiba nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar para sa tuluy-tuloy na serbisyo sa mga aplikanteng Las Piñero.

Una nang nagsagawa ng blessings ceremony sa Las Pñas City Hall para sa mga bagong health at environment vehicles, nitong Hunyo 11.

vuukle comment

INDEPENDENCE DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with