^

Bansa

P4K multa sa illegal parking ipinatitigil ni Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P4K multa sa illegal parking ipinatitigil ni Marcos
Sa social media post ni Pangulong Marcos, sinabi niya na hindi niya pinayagan ang Joint Traffic Circular No.01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na taasan ang multa sa illegal parking mula sa P1,000 ay gagawing P4,000.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipinatitigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtataas ng multa para sa mga illegal parking.

Sa social media post ni Pangulong Marcos, sinabi niya na hindi niya pinayagan ang Joint Traffic Circular No.01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na taasan ang multa sa illegal parking mula sa P1,000 ay gagawing P4,000.

“Para patuloy ang magandang serbisyo ng ating pamahalaan ay hindi ko pinayagan ang Joint Traffic Circular No. 01 ng Metro Manila Council tungkol sa probisyon na tataasan ang multa para sa mga illegal parking mula sa isang libong piso na hanggang apat na libong piso maiiwan na sa isang libong piso lamang”, ayon sa Presidente.

Bagamat naniniwala ang Pangulo sa intensyon ng panukala, napagdesisyunan niya na gawing prayoridad ang pagdisiplina kaysa sa pagmumulta dahil ang Bagong Pilipino ay disiplinado.

Sa pamamagitan anya ng pagtutok sa individual responsibilty ay makakapagtatag ng pangmatagalang solusyon sa mga hamon sa trapiko.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with