^

Bansa

1K pamilyang nasunugan sa Tondo, inayudahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 1,000 pamilya na nawalan ng tahanan sa isang sunog na Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila ang binigyan ng tulong ang ACT-Agri- Kaagapay Organization.

Si Civic leader Virginia Ledesma Rodriguez, founder ng Agri- Kaagapay organization, ang nanguna sa relief operation sa pamamagitan nang pamamahagi ng mga damit, hygiene items, pagkain at tubig sa mga ­pamilyang apektado ng sunog.

Nangako rin siya na patuloy na magkakaloob ng suporta at tulong para sa mga biktima ng sunog, sa abot ng kanyang makakaya.

Ang relief operation ay isinagawa sa isang covered court sa Bgy. Isla Puting Bato, kung saan namahagi ang ACT-Agri-Kaagapay ng mga grocery packs, water containers, meryenda, mga damit at mga gamot sa mga biktima ng sunog.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga lokal na lider at mga pribadong organisasyon dahil sa kanilang collective efforts at pagkakaisa upang malampasan ang mga kinakaharap na hamon.

Samantala, nagpasalamat ang mga fire victims sa Isla Puting Bato, gayundin ang mga barangay leaders sa walang sawang suporta ni Rodriguez, gayundin sa tunay na malasakit na ipinagkakaloob ng Agri-Kaagapay.

vuukle comment

ACT-AGRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with