^

Bansa

NFA execs dawit sa bagsak-presyong bigas, pinagli-leave ng DA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NFA execs dawit sa bagsak-presyong bigas, pinagli-leave ng DA
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ito’y habang gumugulong ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng NFA matapos sumingaw ang kontrobersya.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinagbo-voluntary leave ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang lahat ng mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na sangkot sa kontrobersyal na pagbebenta ng buffer stocks ng bigas na umano’y bagsak presyo.

Ayon kay Laurel, ito’y habang gumugulong ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng NFA matapos sumingaw ang kontrobersya.

“Of course, we have to presume innocence. We have to be impartial. Until proven guilty, everyone is innocent. But this internal investigation is very important so let’s give it time. This internal investigation is just a first step,” punto ni Laurel.

Sinabi ng kalihim na aaksiyon ang DA base sa resulta ng imbestigasyon sa rice sale na inaasahan niyang matatapos sa lalong mada­ling panahon.

Una rito, ang mga NFA officials ay inakusahan sa pagbebenta ng buffer stocks ng bigas ng NFA na hindi dumaan sa bidding at sa presyong ikinalugi ng gobyerno.

Iginiit naman ng NFA execs na ang rice sale ay sumunod umano sa kinakailangang proseso.

“Whoever is involved here must give the investigating party a chance to do their work properly, without any hindrance. So the best thing is, and I strongly advise them, to take a leave of absence…at least the heads--the accused and the accuser,” ayon pa sa Kalihim.

Anya pa, sinuman ang mapatunayang may paglabag sa protocols at polisiya ng DA ay papatawan ng kaukulang kaparusahan kabilang na ang pagsibak sa mga ito sa serbisyo.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with