^

Bansa

Tigdas nagbabantang muling lumaganap – WHO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Tigdas nagbabantang muling lumaganap � WHO
Sinabi ng WHO na ang mga ‘gap’ o agwat sa coverage ng pagbabakuna at disease surveillance ay nagdala sa Western Pacific Region sa measles crisis, sa pagtaas ng mga kaso sa 250% mula 2022 hanggang 2023.
AFP / Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — May banta nang muling paglaganap ng tigdas sa Western Pacific Region, kung saan kabilang ang Pilipinas, ayon sa World Health Organization (WHO).

Sinabi ng WHO na ang mga ‘gap’ o agwat sa coverage ng pagbabakuna at disease surveillance ay nagdala sa Western Pacific Region sa measles crisis, sa pagtaas ng mga kaso sa 250% mula 2022 hanggang 2023.

Ito’y bunsod umano ng pagbaba ng coverage ng pagbabakuna sa ilang bansa sa nasabing rehiyon sa panahon ng Covid-19 pandemic, ang kasalukuyang pag­laganap ng tigdas sa Pilipinas at patuloy na endemic measles transmission sa Malaysia, na nagdudulot ng banta ng muling pagkabuhay ng tigdas sa rehiyon para sa 2024 hanggang 2025.

Sinabi ng WHO-Western Pacific na ang rehiyon ay may mas mababang antas ng mga measles infections noong 2021 na may 1,080 kaso at 1,422 noong 2022, na sumirit sa 5,044 noong 2023.

“Anytime there’s measles in a community, it is a threat. Even countries that have achieved elimination can’t relax. They have to maintain high coverage of measles vaccination and strong systems for picking up cases that get imported through international travel. Without this, measles transmission can become reestablished,” ani Dr. Saia Ma’u Piukala, WHO regional director para sa Western Pacific region.

Kahit hindi nakakaranas ng malalaking measles outbreaks ang Western Pacific Region na nakikita sa iba pang rehiyon sa mundo noong 2023, nasa 3.6 milyon na mga bata naman ang hindi nakatanggap ng regular na mga bakuna mula 2020 hanggang 2022.

vuukle comment

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with