^

Bansa

Diskarte sa pagtugon vs El Niño pinag-aaralan na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Diskarte sa pagtugon vs El Niño pinag-aaralan na
Officials inspect a dried up field in Bulalacao, Oriental Mindoro on February 27, 2024, following the local government's declaration of a state of calamity due to the severe damage of El Niño on the town's farmlands.
Photos by Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Dahil sa magkakaibang uri ng epekto sa bawat rehiyon, pinag-aaralan na ng pamahalaan ang ibat-ibang klase ng pagtugon sa El Niño.

Sa isang ambush interview sa Sumisip, Basilan, inihalimbawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang epekto ng nararanasang El Niño sa Southern Minda­nao na matindi ang pagbaha habang sa Luzon at Visayas lalo na sa Western Visayas ay matindi naman ang tag-tuyot  at kulang na kulang sa supply ng tubig.

Kaya paliwanag ni Marcos, ibang diskarte ng pagtugon ang kailangan mai-apply sa Mindanao lalo na ang Southern Mindanao na nilulubog sa tubig baha.

“So we will continue to do that and what we are trying to do especially now because we are trying to develop the  livelihood  the agri-fisheries as i mention all of this will need a good suppy of fresh water of  irrigation and also fresh supply of water for consumers and that infrastructure we will now have to start to built,” ayon pa sa Presidente.

Matatandaan na kamakailan lamang ay nagpunta ng Agusan del Sur ang Pangulo at personal na ininspeksiyon ang lawak ng pinsalang idinulot ng magkasabay na lakas ng ulan at shearline na nagdulot ng malawakang pagbaha.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with