^

Bansa

Pangulong Marcos sinaksihan pagsira sa mga armas sa Basilan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sinaksihan pagsira sa mga armas sa Basilan
Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Government ang pagwasak sa iba’t ibang armas na isinuko ng mga rebelde sa ginanap na Panabangan Si Kasanya ngan (Peace Offering Ceremony) sa Sumisip, Basilan kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsira sa mga matataas na uri ng armas na isinuko sa pamahalaan ng iba’t ibang grupo na makakaliwa mula sa Barangay Mahalatang, Sumisip, Basilan.

Tinatayang nasa 550 piraso ng mga baril ang isinuko kung saan 311 dito ang high-powered at 239 low-powered firearms.

Ang mga nasabing armas ay dinaanan ng pison sa Kasanyangan Monument na isang Yakan vernacular na sumisimbolo ng kapayapaan.

Ang lugar ay dating main camp o kuta ng extremist na Abu Sayyaf group.

Plano naman ng lokal na pamahalaan ng Sumi­sip, Basilan na gawing tourist attraction ang lugar lalo pa at naging simbolo na ito ng pag-asa at kapayapaan.

Magugunita na Oktubre noong nakaraang taon nang ilunsad ng gobyerno ang Small and Lights Weapons Management Program na humihikayat sa makakaliwang grupo at extremists na isuko ang armas at magbalik loob sa pamahalaan.

Nagpahayag naman ng suporta dito ang United Nations Develop­ment Program at ang pamahalaan ng Japan sa nasabing programa.

vuukle comment

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with