^

Bansa

Kaunlaran dadalhin sa Mindanao – Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pagsisikapan ng pamahalaan na dalhin ang progreso at kaunlaran sa mga lugar na dating areas of conflict sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Sumisip, Basilan matapos personal na saksihan ang pagsira sa mga armas ng mga dating rebelde na sumuko sa pamahalaan.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para dalhin ang kaunlaran at progreso sa mga dating lugar na may kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao sa pamamagitan ng pakikipagtulu­ngan sa Autonomous government at mga lokal na pamahalaan.

Ito ay para tuluyang makamit ang tinatarget na kasaganaan sa mga lugar na dating labanan.

Ayon pa sa Pangulo, siya ang unang presidente na nagtungo sa nasabing lugar dahil dati itong “ground zero”noong panahon na mayroong labanan.

“So it is very clear landmark on progress that we have been ma­king in bringing peace in Southern Piipinas,” ayon pa sa punong ehekutibo.

Siniguro rin ni Marcos na maihahatid din ang kailangang kabuhayan o livelihiood sa mga lugar sa Kamindanawan na subject nag awing mga progresibong lugar, dahil hindi naman sapat lang na maibalik ang kapayapaan kaya dapat na rin isunod dito ang minimithing kaunlaran.

Sa nasabi rin lugar pinangunahan ng Pangu­lo ang Panaba­ngan si Kasanyangan o Peace Offering Ceremony sa Sumisip, Basilan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with