Pangulong Marcos sa mga rebelde: ‘Sumuko na kayo’
MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga rebelde na sumuko na sa pamahalaan.
Kasabay nito nangako naman ang Pangulo sa mga susukong rebelde na hanggang ngayon ay namumundok na ibibigay ang lahat ng suporta magbalik loob lamang at maging bahagi muli ng lipunan.
Sinabi ng Pangulo na sisiguraduhin nilang maipagkakaloob ang lahat ng suporta sa mga rebel returnee tulad ng pabahay, livelihood , school infrastructure at iba pa.
Idinagdag pa ng punong ehekutibo na magiging tuluy-tuloy din ang kampanya ng pamahalaan laban sa armed destructions partikular na sa loose firearms.
Hindi lamang anya ito ginagawa ngayon sa Mindanao kundi maging sa ibang bahagi na rin ng bansa sa ilalim ng tanggapan ng United Nations at European Union at iba pa partners sa ibang bansa bilang observers.
Si Pangulong Marcos ay nagtungo kahapon sa Sumisip, Basilan para personal na saksihan ang pagsira ng mga armas mula sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
- Latest