^

Bansa

Natepok sa rabies sa Albay tumaas, DOH naalarma

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Nababahala ang Department of Health-Bicol Center for Health Development kaugnay sa patuloy na pagtaas ng kaso ng rabid-virus sa buong rehiyon dahilan para itakda ng departamento ang “Rabies: One Health, Zero Death” program sa buong rehiyon.

Sa datos na inilabas ng DOH-Bicol CHD sa pangunguna ni Undersecretary at concurrent regional director Dr. Nestor Santiago, noong 2022 ay nakapagtala sila ng 16 kataong namatay dahil sa rabies sa buong rehiyon. Tumaas ang kaso ng 162.5 porsyento noong 2023 makaraang maitala ang 26-human deaths na karamihan ay dahil sa kagat ng aso.

Nakakaalarma naman ang datos sa Albay sa unang dalawang buwan ng 2024 dahil nagkaroon agad ng limang nasawi­ kumpara­ ng limang namatay sa buong taon ng 2023.

Sa panayam kay Edmund Dominic Bailon, hepe ng Provincial Epedemiology and Surviellance Unit ng Provincial Health Office, dalawa ang nasawi mula sa bayan ng Pio Duran kung saan ang pinakahuling biktima ay isang 9-anyos na hindi agad nabakunahan dahil hindi nagsabi sa mga magulang na nakagat siya ng asong gala. May tig-iisang nasawi naman ang mga bayan ng Tiwi, Bacacay at Jovellar.

Dahil sa pagkalat ng rabies sa Albay bunsod ng mga galang aso at ires­ponsableng pet owners, ang programa ng DOH-Bicol CHD na Rabies: One Health, Zero Death ay ­unang ilulunsad sa Marso 14, 2024 sa Provincial Agri­culture Office sa Camalig, Albay.

Matapos sa Albay, sunod na ilulunsad ang programa sa Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Masbate at Catan­duanes.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with