^

Bansa

Pagpapatigil sa pagtanggap ng aplikasyon ng motorcycle taxi, giit ng transport sa LTFRB

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsama-sama ang mga transport coalition at mga tricycle operators para manawagan saLand Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na itigil muna ang pagtanggap ng aplikasyon ng mga bagong kompanya para sa motorcycle taxi.

Sa press conference, hiningi ng National Public Transport Coalition, National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines at iba pang asosasyon na itigil muna ang pag-accommodate sa bagong aplikante ng MC taxi.

Sabi ni Mr. Ariel Lim, Presidente ng NACTODAP, dapat munang tapusin ang pilot study para sa mga motorcycle taxi lalo pa at ito ay nasa Kongreso na.

Anya, sobrang apektado na ang kabuhayan ng mga tricycle operators dahil sa pagdami ng mga habal-habal at mga kompanya na ginagamit ang mga motorsiklo para ipang­hanapbuhay at lalung mahihirapan kung daragdagan pa ng LTFRB ang mga MC taxi operators.

Dapat daw isaalang-alang ng gobyerno ang kabuhayan ng mga tricycle, pedicab, jeepney, UV Express, taxi at iba lang transport group dahil sa bawat motorcycle taxi ay nababawasan ang kanilang mga kinikita sa araw-araw.

Sa ngayon, may tatlong kompanya ang binigyan ng permit para sumali sa pilot study ng motorcycle taxi na kinabibilangan ng Angkas, Joyride at Move It.

Bukod sa naturang kompanya, talamak na rin umano ang mga habal-habal na isang uri ng colorum vehicles na hindi mapigilan ng LTO at LTFRB na mag-operate bilang passenger vehicles.

Umaapela ang mga nabanggit kay Pangulong Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez na agarang itigil ang planong pagdami ng mga motorcycle taxi sa bansa laluna sa Metro Manila dahil babagsak ang kanilang kabuhayan.

Sa ngayon mahigit 5 taon na ay hindi pa natatapos ng MC Taxi Technical Working Group (TWG) ang pilot study sa MC taxi operations gayung may ilan taon nang napasada ang MC taxi vehicles.

Wala pa ring batas na naaaprubahan ang Kongreso para sa MC taxi operation sa bansa.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with