^

Bansa

Cash grant sa 4Ps, balak itaas - DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Cash grant sa 4Ps, balak itaas - DSWD
Residents of Batasan Hills in Quezon CIty line up to receive their financial assistance from the national government on April 7, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na maitaas ang halaga ng tulong pinansiyal na naipagkakaloob sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa mataas na halaga ng ­bilihin.

Ayon sa DSWD, simula nang maging batas ang 4Ps noong taong 2019 ay hindi na nabago ang halagang naipagkakaloob na cash aid sa mga benepisyaryo ng programa.

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kailangang pag-aralan ng DSWD, NEDA at PSA ang tamang formula na gagamitin para maitaas ang tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan para sa mahihirap na mamamayan ng bansa.

Gayunman, sinabi ni Lopez na hindi madali na maisagawa ang pagtataas sa cash grant sa mga benepisyaryo ng programa dahil nangangailangan pa ito ng pag-amyenda ng Kongreso sa umiiral na batas tungkol sa 4Ps.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with