^

Bansa

Teves, nasa Interpol red notice list na – DOJ

Pilipino Star Ngayon
Teves, nasa Interpol red notice list na � DOJ
File photo of suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie Teves Jr.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kasama na sa red notice list ng International Criminal Police Organization (Interpol) si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr..

Ginawa ni Remulla ang kumpirmasyon kasunod ng ulat na naglabas na ang Interpol ng red notice noong Martes laban kay Teves, na itinuturong siyang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa kanyang tahanan kamakailan.

Ayon sa Interpol, ang red notice ay tumutukoy sa hiling ng law enforcement authorities sa buong mundo upang hanapin at arestuhin ang isang tao, na may nakabinbing extradition, surrender o kahalintulad na legal na aksiyon.

Nilinaw naman ng Interpol na ang red notice ay hindi isang international arrest warrant.

Matatandaang noong Pebrero 19, si Teves ay isinama na ng Interpol sa kanilang blue notice.

Sa ilalim ng blue notice, nire-require ang member countries na mangalap ng karagdagang impormasyon hinggil sa identidad, lokasyon, o aktibidad ng isang tao, na may kinalaman sa isang criminal investigation.

Sa mga naturang notice ng Interpol, tinukoy na si Teves ay matatagpuan sa Cambodia.

Una na ring namang napaulat na nagpapalipat-lipat siya sa Timor-Leste, Cambodia at Thailand.

Tinangka rin umano nitong humingi ng political asylum sa Timor-Leste ngunit hindi ito pinagbigyan.

Sinasabing itinaas din umano ang estado ng dating mambabatas ng mula sa ‘suspek’ lamang at ginawang ‘Fugitive Wanted for Prosecution.’

vuukle comment

NEGROS ORIENTAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with