^

Bansa

4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds
Residents of Batasan in Quezon City receive cash aid at Quezon City Polytechnic Univesity from the government's social amelioration package.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Higit 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.

Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na ?102.610 bilyon.

Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 bawat buwan at ?600 bawat buwan bilang mga subsidiya sa bigas para sa 4.4 milyong pamilya.

 Sakop din nito ang mga subsidiya sa edukasyon na nagkakaiba mula ?300-700 bawat buwan para sa mahigit 7 milyong mag-aaral.

Matatandaan na sa  State of the Nation Address (SONA), inatasan ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin na ang mga karapat-dapat lamang na pamilya ang kasali sa 4Ps program.

Bukod pa dito, nangako ang Pangulo ng iba’t ibang mga hakbang kabilang ang pagpapalakas ng mga prog­rama ng tulong at pagtitiyak ng sapat na budget para sa mga mahihirap na sektor.

Ang 4Ps ay isang strategy ng pamahalaan sa pagbabawas ng kahirapan at isang programa ng pamumuhunan sa human capital na nagbibigay ng kondisyonal na cash transfers sa mga higit na nangangailangang pamilya sa loob ng pinakamataas na pitong taon, upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0-18.

vuukle comment

FUNDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with