^

Bansa

FDA nagbabala sa paggamit ng ‘di sertipikadong urine bag

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa lahat ng healthcare professionals at sa publiko na huwag bumili at gumamit ng hindi sertipikadong medikal na aparato na ginagamit para sa pagkolekta ng ihi.

Sa advisory na inilabas nitong Martes, sinabi ng FDA na sa pamamagitan ng post-marketing surveillance, napatunayan nito na ang Medx Urine Bag ay”not notified and no corresponding Product Notification Certificate has been issued.”

Dahil ang aparatong medikal na ito ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri ng FDA, sinabi ng ahensya na hindi nito masisiguro ang kalidad at kaligtasan nito.

“All concerned establishments are warned not to distribute, advertise, or sell the said violative medical device product until the Product Notification Certificate is issued, otherwise, regulatory actions and sanctions shall be strictly pursued,” ayon sa advisory.

Pinayuhan din ang publiko na palaging suriin kung ang isang produkto ay naabisuhan na sa FDA bago ito bilhin sa pamamagitan ng paggamit ng embedded search feature ng website ng ahensya na maa-access sa www.fda.gov.ph.

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with