^

Bansa

Duterte, nagbago isip pabor na sa Cha-cha

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte, nagbago isip pabor na sa Cha-cha
Former President Rodrigo Duterte during an event of the Young Mens’ Christian Association of Manila on Oct. 28, 2024.
.Facebook / Bong Go

MANILA, Philippines — Matapos ang mga naunang pahayag ng pagtutol sa Charter Change (Cha-cha) tila nagbago na ng tono si dating Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing susuportahan niya ang pagbabago sa Konstitusyon kung hindi palalawigin ang termino ng mga nakaluklok na ­opisyal ng gobyerno ngayon.

Sa ginanap na prayer rally sa Cebu nitong Linggo ng gabi, sinabi ni Duterte sa harap ng mga tao na wala siyang problema sa Cha-cha hangga’t walang nakalaan na interes dito.

Sinabi ng dating ­pangulo na susuportahan niya ang pagbabago ng Konstitusyon patungkol sa economic provision, ma­ging sa term ng presidente, subalit hindi ito dapat papabor sa kasaluku­yang lider ng bansa o sa mga mahahalal sa susunod na eleksyon.

Hindi rin anya siya tututol sa panukalang pagpapalit ng ­konstitusyon kung mangangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taumbayan na hindi na siya tatakbo sa susunod na halalan.

Idinagdag pa ni Digong na anuman ang hakbang para palitan ang ­Konstitusyon para sa term extension ng mga kasalukuyang nakaupo sa ­gobyerno ay hindi magi­ging maayos sa mga tao.

vuukle comment

CHA-CHA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with