^

Bansa

Traditional jeep ‘di ibabasura – Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Traditional jeep �di ibabasura � Marcos
Commuters were stranded in Monumento, Caloocan City as jeepney drivers started their weeklong strike yesterday to oppose the government’s plan to phase out traditional jeepneys.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi tuluyang ibabasura ang traditional jeepney.

Sa pinakahuling vlog ng Pangulo, nilinaw nito na hindi ipi-phase out ang mga luma o traditional jeepney kundi ginagawa lamang itong moderno.

Ang pahayag ay ginawa ni Pangulong Marcos bilang tugon sa mga liham na natanggap nito na idinaan sa Bahay Ugnayan.

Iginiit pa ng Presidente na sa pamamagitan ng mo­dernisasyon ay mas malaki ang kikitain ng mga tsuper dahil mas mababa ang cost per kilometer ng mga e-jeepneys.

Bukod dito mababawasan din ang polusyon sa hangin na siyang ambag ng pamahalaan sa mga hakbang sa climate change.

Subalit higit anya sa pagbabago at pagmoderno ng sasakyan ay dapat na rin iwanan ang lumang pag- uugali sa kalye.

Dahil ang bagong Filipino umano ay disiplinado sa pagmamaneho, nagbibigayan, may kunsiderasyon sa kapwa at sumusunod sa batas trapiko na dapat i-modernized.

“Tama na iyong mga madamot sa daan, nagbababa ng mga pasahero sa gitna ng daan, mga hindi ginagalang ang mga bike lane, hindi pinapadaan ang mga ambulansya, pagpa-park sa tabi ng daan na nagiging obstruction sa traffic. Bagong Pilipinas na po tayo disiplina ang dapat pairalin,” giit pa ng Pangulo.

vuukle comment

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with