^

Bansa

Philippines resupply mission tinangka uling harangin ng China

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Philippines resupply mission tinangka uling harangin ng China
Sa video na pinost ng GMA Integrated News sa Facebook, makikita nito na naglagay ulit ng mga bagong floating barrier sa lugar para hindi makadaan ang barko na BRP Datu Sunday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resour­ces (BFAR).
STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Tinangka na namang harangin ng China Coast Guard (CCG) ang resupply mission sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Sa video na pinost ng GMA Integrated News sa Facebook, makikita nito na naglagay ulit ng mga bagong floating barrier sa lugar para hindi makadaan ang barko na BRP Datu Sunday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resour­ces (BFAR).

Ang nasabing barko ay may dalang diesel at tulong para sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Naglabas na rin ng drone footage ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing insidente na nangyari noong Pebrero 22, 2024.

Lumalabas dito na ang CCG ship 3105 at ang Chinese maritime militia vessel ay humaharap sa BRP Datu Sunday para hindi makara­ting sa Scarborough shoal na kanilang destinasyon.

Makikita rin na tatlong beses na hinarang ng barko ng CCG ang barko ng Pilipinas kaya napilitan na itong mag-radio challenge.

Nabatid na nagpadala na ang Chinese navy ng helecopter mula sa kanilang warship para mamonitor ang barko ng BFAR at mga mangingisdang Pinoy sa naturang lugar.

Dahil dito kaya nagdeploy rin ang BFAR ng Cessna plane para mamonitor ang umano’y harassment na ginagawa ng CCG.

Sa kabila nito ayon sa PCG, nakadaan pa rin ang barko ng Pilipinas kahit na hinaharang ng CCG at naging matagumpay ang pamamahagi ng tulong sa may 44 “mother fishing boats” sa Bajo de Masinloc.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with