^

Bansa

Abogada, isa sa 5 NPA na napatay sa Bohol encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Abogada, isa sa 5 NPA na napatay sa Bohol encounter
Ayon kay Col. Louie Dema-ala, Spokesperson
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang abogadong naligaw ng landas matapos ma-recruit ng New People’s Army (NPA) ang isa sa limang napaslang sa bakbakan ng security for­ces at komunistang grupo sa Bilar, Bohol nitong Biyernes, ayon sa militar nitong Sabado.

Ayon kay Col. Louie Dema-ala, Spokesperson

ng Phil. Army si Hannah Jay Cesista alyas Maya/Lean, miyembro ng NPA Bohol Party Committee, Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor ay kabilang sa mga nasawing rebelde na natukoy na ang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Dema-ala na isang abogado si Cesista na kabilang sa 3,992 Bar Exams passer noong 2022 base na rin sa tala ng Korte Suprema.

Ayon sa opisyal, si Cesista ay napangasawa ni Parlito Segovia, isa sa mga kasamahan nito sa kilusang komunista na kabilang din sa napaslang. Sumapi sa NPA si Cesista noong 2020.

Nitong Biyernes ay nauwi sa bakbakan ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng tropa ng Army’s 47th Infantry Battalion at ng 21st Special Forces Company ng PNP laban sa squad leader ng NPA na si Domingo Compoc, gu­magamit ng mga alyas na Silong, Cobra, Eloy at Jing.

Kabilang sa nasawi ay sina Cesista, Segovia, Compoc at kanilang mga kasamahan na sina Marlon Omosura alyas Darwin at isang kinilala lamang sa alyas na Juaning.

Samantala isang pulis na nakilalang si P/Corporal Gilbert Amper ang nasawi at sugatan si Patrolman Gerard Rollon.

Si Compoc ay may P2.6 milyong patong sa kaniyang ulo na wanted sa mga kasong rebelyon, homicide, attempted homicide, theft, multiple murder, frustrated murder at robbery.

vuukle comment

CRIME

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with