^

Bansa

E-bike, e-trike target nang iparehistro ng MMDA

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
E-bike, e-trike target nang iparehistro ng MMDA
Nagpatawag ng press conference si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Atty. Don Artes (pangalawa sa kanan) kaugnay sa bagong regulasyon sa e-bike/e-trike habang ipinapakita ang footages ng mga paglabag sa trapiko ng nasabing mga e-vehicles gaya ng pagdaan sa mga highway. Kasama rin sa pulong sina (mula kaliwa) LTFRB Chief Teofilo Guadiz at LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nais ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) na mairehistro na ang mga e-bicycle at e-tricycle sa bansa.

Ito’y dahil parami na umano ng parami ang mga e-bike at e-trike at nagiging cause of concern na.

Bukod dito, nais din ng MMDA at LTO na obligahin na ang mga driver ng mga naturang behikulo na kumuha ng lisensiya bago payagang magmaneho.

“Nakikita namin na ­parami nang parami… para habang hindi pa ganoon karami na nakaka-obstruct na ng traffic, na ‘yung major accidents ang nako-cause niya, ay ma-address na namin kaagad,” sabi ni MMDA Acting Chairman Romando Artes.

Ang mga e-vehicle units, e-tricycles, e-bikes, e-pedicables, e-scooters, push carts, at kuliglig sa mga kalsada ay hindi lamang nagpapabagal sa daloy kundi nagdadala rin ng panganib sa mga driver, pasahero at pedestrians.

Ang pagdami ng bilang ng e-vehicles ay dahil na rin sa paggamit nito nang hindi na kailangang iparehistro at ‘di na kailangang kumuha ng lisensya.

“When these e-vehicle users violate the law, how can we issue a traffic violation ticket if the users do not possess a license? We also cannot charge the vehicle owners because they are not registered,” ani Artes.

Batay sa monitoring ng MMDA, kahit menor-de-edad ay nakikitang nagmamaneho ng e-vehicles sa national highways at ang ilan ay hindi man lang nagsusuot ng helmets o protective gears.

Inabisuhan na rin ang mga LGU sa Metro Manila na magsumite sa Lunes ng isang listahan ng kanilang sariling mga ordinansa, regulasyon, at programa, partikular na ang paggamit ng mga yunit para sa kabuhayan, upang maplantsa ang mga kinks.

Sa panig naman ni ­LTFRB Chair Atty. ­Teofilo Guadiz, sinabi niya na ang pagdami ng e-trikes ay nakakaapekto sa plano ng pamahalaan sa ­modernization ng public utility vehicles (PUVs).

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with