^

Bansa

Vice President Sara: ‘UniTeam, walang lamat’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Vice President Sara: �UniTeam, walang lamat�
Vice President Sara Duterte
Inday Sara Duterte / Facebook page

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na buo pa rin ang Marcos-Duterte tandem, na kilala rin sa tawag na ‘UniTeam’.

Ginawa ni VP Sara ang pagtiyak kasunod ng mga ispekulasyon na posibleng magkaroon ng lamat ang samahan ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa, matapos ihayag ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. na pinag-aaralan ang posibilidad ng muling pagsali ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Dahil dito, nagkaroon ng mga haka-haka ukol sa mga “lamat” sa political team-up.

Ginatungan pa ang espekulasyon ng mga lumitaw na ulat na balak ng Kamara na patalsikin sa pwesto ang Bise Presidente.

“Wala naman. Wala namang cracks,” tugon niya nang makapanayam ng media sa sidelines ng dinaluhang 31st National Children’s Month.

Ipinaliwanag pa niya na tuloy ang partnership nila ng Pangulo kahit pa tapos na ang panahon ng kampanyahan.

“Ang UniTeam kasi, it was a tandem during the elections. Ngayon naman, ang trabaho namin is hindi na pangangampanya. Ang trabaho namin is President and Vice President,” dagdag niya.

Pagdating naman aniya sa kanilang working relationship, wala rin siyang naririnig na reklamo mula sa Pangulo pagdating sa kanilang trabaho sa DepEd.

Una nang sinabi ng bise presidente na nire­respeto niya ngunit hindi sinasang-ayunan ang desisyon ni Pang. Marcos na pag-aralan ang pagsaping muli sa ICC. Hindi pa rin umano niya nakakausap ang Pangulo hinggil dito.

Plano rin namang kontakin ni Duterte ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa kanyang posisyon sa isyu.

vuukle comment

DEPED

ICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with