^

Bansa

Cavite, Batangas, Oriental Mindoro makakaranas ng tagtuyot sa Disyembre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Cavite, Batangas, Oriental Mindoro makakaranas ng tagtuyot sa Disyembre
Reklamo ng mga magsasaka, hindi pa sila nakatatanggap ng anumang tulong sa gobyerno kahit na nagtabi na raw P95 milyong pondo ang Department of Agriculture bilang tulong pinansyal.
File

MANILA, Philippines — Makakaranas umano ng tagtuyot ang Batangas, Cavite at Oriental Mindoro sa katapusan ng Disyembre 2023, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang kasalukuyang El Niño ay maaaring mas lalong tumindi sa mga susunod na buwan at magpatuloy hanggang sa ikalawang quarter ng 2024.

Nasa 20 probinsya rin ang maaaring makaranas ng dry spell -  Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Palawan, Misamis Occidental at Sulu.

Samantala, pitong probinsya ang inaasahang makakaranas ng dry conditions kabilang na ang Abra, Ilocos Norte, Batanes, Bataan, Zambales, Metro Manila, Occidental Mindoro at Antique.

Nangyayari umano ang dry spell kapag may below normal na pag-ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan habang ang dry condition ay dulot ng dalawang magkasunod na buwan ng below normal na pag-ulan.

Sa Disyembre, inaasahan ang below normal rainfall sa buong Northern at Central Luzon at sa western section ng Southern Luzon habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaaring magkaroon ng normal na pag-ulan.

Mayroon din umanong hanggang 2 bagyo ang maaaring pumasok bago matapos ang 2023 na inaasahang mag-landfall sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with