^

Bansa

Pangulong Marcos pipirmahan 2024 national budget bago bumiyahe sa Japan

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno na pipirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang P5.768-trillion national budget para sa 2024 bago siya bumiyahe sa Japan sa Disyembre.

“Malamang (lalagdaan),” pahayag ni Diokno matapos matanong tungkol sa panukalang 2024 nat’l budget na kailangang maging ganap na batas bago matapos ang taon.

Dadalo si Marcos sa ika-50 taon ng ASEAN-Japan Friendship and Cooperation summit mula Dis.16-18.

Tiniyak ni Diokno na may sapat na panahon ang Pangulo para pirmahan ang panukala na ipinasa na ng Kamara.

Kahapon ay inaprubahan na rin ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang P5.768T panukalang pambansang pondo.

Isasalang na ito sa bicameral conference committee upang magkaroon ng pinal na bersiyon na kailangang pagtibayin ng mga kinatawan ng dalawang Kapulungan bago ipadala sa Malacañang.

Tumaas ng 9.5% ang panukalang P5.768 trilyong national budget kumpara sa budget ngayong 2023.

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with